“Huling Balita” concert
Natuwa naman ako na magbubuklod ulit ang Buklod para lang sa concert na ito. Kaya kung mahilig ka sa tunay na pinoy music at kung may pakialam ko sa mga nagaganap sa paligid mo, dapat lang na pumunta ka sa event na ito.
Ito ay handog ng grupong Desparecidos (mga pamilya ng mga na-abduct tulad nina Jonas Burgos, Karen Empeno, She Cadapan) at Free Jonas Burgos Movement.
Dec. 11 2007 "Huling Balita" concert 7p.m. sa Cine Adarna (Film center/institute), UP Diliman
Artists: Jess Santiago, Noel Cabangon, Radioactive Sago Project, Cynthia Alexander, Buklod, Joey Ayala, Dong Abay, The Jerks, The Woods, Cookie Chua, atbp.
Ang malilikom na pera sa concert na ito ay mapupunta sa grupong Desaperacidos at pagproduce ng album tungkol sa mga desap. Kaya sya sa loob ng adarna ay para makapag-live recording. Bawat isa sa mga artists na ito ay lilikha ng kanta para sa mga desap at yun ang lalamanin ng album. Isa din itong form of awareness campaign na madami pa ring nawawalang mga tao dahil lang sa kanilang politikal na paninindigan o minsan nga’y pagsisilbi lang sa masa.
P150 para sa nonstudents, P125 sa students pero kung 10 tickets ang bibilhin mo ay P100 each na lang at may libre pang 3 tickets.
Txt 09165186958 for tickets o hanapin nyo ko (ako po si tine, journ student, pakalat-kalat lang sa maskom). Sa tues na ito. Bili na hanggang may tickets pa.
Dumalo po tayo at magpadalo. Nakapagconcert ka na nga, nakatulong ka pa. Isulong natin ang tunay na demokrasya kung saan hindi na pinapatay o dinudukot ang mga taong pininipiling magsilbi sa masa.
Human Rights day is on Dec 10, the day before the concert.
October 13th, 2008 at 11:45 pm
Hi!
My name is Jessika!
December 14th, 2008 at 3:35 pm
Hi!
My name is Jessika!