Nadukutan at nahold-up in a span of 4 days
February 2nd, 2008 by nobodys-girlMahirap nga talagang mabuhay sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Kapit patalim ang mga tao. Para sa isang mas simpleng eksplanasyon: Ang imperyalistang US, sa kagustuhang kumita ay kumukuha ng raw materials sa Pilipinas - Ang mga panginoong may lupa ay mangangamkam ng lupa para gamitin sa kanilang pakikisosyo sa mga foreign businessmen- makukuha ang mga lupang matagal nang sinasaka ng mga pamilyang magsasaka- mapipilitan silang pumunta sa kalunsuran para magtrabaho- dumadami ang tao sa kalunsuran at kulang ang trabaho dahil wala tayong basic industries, etc.- nagiging informal settlers ang karamihan- dahil wala pa ring trabaho ang ilan ay napipilitang gumawa ng krimen para mabuhay- nahohold-up ang mga mamamayang tulad ko… Balik sa kwento…nung tuesday ay papasok na akong UP, muling sumakay sa MRT TAFT gamit ang aking stored value card. Pagpasok sa train na pangbabae lamang, kinutuban na ako. Wala na nga ang original kong Louis Vuitton wallet. Nag-isip…hindi naman ako pwedeng sumigaw ng "Magnanakaw!" sa loob ng MRT..nakakahiya…Hindi ko rin naman pwedeng ipalabas ang lahat ng bag ng mga kasama ko…masyadong nang-aakusa… Baka nalaglag…tayo,hanap, halungkat ulit ng gamit..tanong sa mga tao. Wala talaga. Bumaba na lang ako sa Buendia station. "Mamang guard, pwede po ba kayong rumadyo sa taft station para alamin kung may nalaglag na wallet sa platform?" Mabait naman ang mga guard ng MRT. Tumawag, rumadyo…wala. Shet…allowance ko yun hanggang Sabado..paano na ako mabubuhay? Pagkaraan ng ilang minuto, naireport ko na ang pangyayari sa supervisor. Nag-iwan na lang ako ng contact number sa kanila at tinanggap na hindi ko na ulit makikita ang wallet at pera ko. Paalam wallet, library card at souvenir play, concert at event tickets. Hassle talaga. Nakakahiya pa sa mga magulang ko. Pinuntahan nila ako sa UP kagabihan at binigyan ng pera. Buti na lang may bente pa ko sa coin purse kaya nakarating pa akong UP. FOUR DAYS LATER…pauwi naman ako ng Cavite (southbound naman ngayon). Sakay sa dyip papuntang MRT. Masikip, nakatabi sa isang mamang mataba at naka-sumbrero. Maya-maya nung palabas na ng UP ang dyip tumayo yung mama at sumabit. Wow ang bait..pinaupo ako. Akala ko kinakausap nya yung babae sa dulo. Sabay labas ng baril. Cellphone nyo! Huh? Blanko ang mga tao. Tinutok na sa babae yung baril… syete…de ja vu ito..mula pasay hanggang QC ganito pa rin ang sitwasyon ko (naganito na kasi kami ng orgmates ko sa Pasay pero kutsilyo lang yung dala)…dahan-dahan at mahinahon kong tinanggal yung sim ng cellphone ko…nakakakuha na sya ng tatlo. "cge salamat ha. Patawad, kailangan ko lang talaga ‘tong gawin." Baba… Haggard…nasusuka daw yung katabi ko. Huminto kami para magpa-blotter…nawawala yung pulis..may hold-upan din daw sa may commonwealth. Haggard. Sabi ng mga kasabay ko sa may Romulo Hall daw sumakay yung mama. Hindi na talaga ako ligtas. Inaabot na ko ng mga ganitong krimen. Ngayong third year na lang ako nalalapitan ng mga ganun. Hay. Akala ko noon ay immune ako. Yung lalake naka blue na Puma shirt, naka khaki na sumbrero, naka-khaki na shorts. Silver yung revolver nya. Maitim, prominent yung ilong at medyo singkit ang mata. malaking tao sya. Lesson: 1. Wag uupo sa dulo ng dyip kung saan ikaw ang tututukan ng baril (lalo na kung babae ka) 2. Wag na lang magcelphone na maganda (nadukot na din kasi dati yung bago kong cell kaya 2100 na lang gamit ko ngayon) 3. wag na magwallet ng maganda (bye bye Louis Vuitton wallet! shet! bigay pa yun ng tita ko) 4. celphone talaga at hindi wallet o laptop ang tinitira sa dyip 5. kung desperado itapon ang celphone sa likod o sa ilalim (ganun ginawa ng iba kong mga kasama) 6. wag magpanic kung ayaw mong may madisgrasya 7. bulok talaga ang sistema kaya tayo’y magtulong-tulong upang mabago ito…economically, politically at culturally… "We are creating a new and original world…" Lesson talaga ito…in a span of 6 months ako ay…nahold-up sa Pasay, nadukutan ng cellphone, nadukutan ng wallet, nahold-up sa QC… Buti na lang pag hold-upan ay hindi ako nadadale…pero kawawa talaga yung mga kasama ko. Hay…





